Mayaman ang ating bansa sa iba't ibang angyong lupa. Mahalaga ang mga anyong lupang ito dahil dito nagmumula ang iba't ibang yamang lupang nagagmit sa pang araw-araw pamumuhay.
Slide 2 - Tekstslide
BUROL
Ang burol ay isang anyong lupa na mas mababa kaysa sa bundok. Mainam itong pagpastulan ng hayop dahil sa maraming tumutubong damo dito dahil maganda ang lupa nito. Ang pinaksikat na burol sa Pilipinas ay ang Chocolate Hills at matatagpuan ito sa Bohol.
Slide 3 - Tekstslide
BULKAN
Ang bulkan ay isang anyong lupang may bunganga o butas at maaring pumutok o sumabog. Ang bulkang Mayon ang itinuturing na pinakamagandang bulkan sa bansa dahil sa hugis nitong halos perpektong kono.
Slide 4 - Tekstslide
TALAMPAS
Ang talampas ay patag na anyong lupa sa itaas ng isang bundok o isang mataas na lugar. Malamig ang klima sa talamapas kaya’t angkop itong tamnan ng iba’t ibang uri ng gulay, prutas, at makukulay na bulaklak.
Slide 5 - Tekstslide
PULO
Ang pulo ay isang anyong lupang napaliligiran ng tubig. Sa kasalukuyan ay may 7,641 pulo o isla sa ating bansa. Ang Pilipinas ay isang kapuluan dahil binubuo ito ng malalaki at maliliit na pulo.
Slide 6 - Tekstslide
BULUBUNDUKIN
Bulubundukin naman ang tawag sa hanay ng mga bundok o kawing-kawing na mga bundok. Ang Sierra Madre ay kilala bilang pinakamahabang bulubndukin sa Pilipinas.
Slide 7 - Tekstslide
BUNDOK
Ang bundok ay ang pinakamaTaas na anyong lupa. Ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas ay ang bundok Apo. Ito ay matatagpuan sa lalawigan ng Cotabato at ilang bahagi ng lalawigan ng Davao.
Slide 8 - Tekstslide
LAMBAK
Ang lambak ay patag at mababang anyong lupa sa pagitan ng mga bundok. Mataba ang lupa sa mga lambak kaya’t maraming uri ng pananim ang itinatanim at inaani rito. Ang pinakamalawak na lambak sa ating bansa ay an gang lambak ng Trinidad at tinagurian itong Salad Bowl of the Philippines dahil sa marami itong pananim na gulay at nagsusuplay sa buong bansa.
Slide 9 - Tekstslide
KAPATAGAN
Ang kapatagan ng Gitnang Luzon ang pinkamalawak NA kapatagan sa bansa. Ang palay ay masaganang inaani dito kaya’t tinatawag itong kamalig ng palay ng pilipinas o Rice Granery of thePhilippines.